1. Home /
  2. Religious organisation /
  3. Jesus Christ Son of God Christian Church

Category



General Information

Locality: Vallejo, California

Phone: +1 415-756-8387



Address: 419 Georgia Street, Suite 8 94590 Vallejo, CA, US

Likes: 70

Reviews

Add review

Facebook Blog





Jesus Christ Son of God Christian Church 05.11.2020

PARADA NG PATAY NA TAO SA PATAY NA REBULTO (Pagmamalasakit ng Pag-ibig, Pastor Frank Hidalgo) (Exodus 20:4; Isaias 44:9-20; John 4:24; Acts17:24,25; Romans 1:18-23) Sa ganitong panahon ay nagtalaga ng pagtataon libo libong Pilipino... Kanilang rebulto ipaparada at itatanyag ang idolo sa ligaw na mundo Sadyang bawat deboto nitong Hesus Nasarenong rebulto na idolo Lahat bawat isa humihiyaw ng buong pagsamba sa patay na Rebulto! Rebultong Hesus Nasareno, sambahin ka! Ang sigaw ng taong ligaw Batong gawa ng taong ligaw, mabuhay ka! Hiyaw nitong taong patay Rebultong itim, kami iyong dinggin! Dalangin ng isipang nasa dilim Batong anyong Tao, ikaw ay diyos! Sambit ng kaluluwang may sakit! Paano ba ang pagsambang tunay Kung iyong diyos ay batong patay? Paano ba ang pagsintang dalisay kung iyong diyos ay walang malay? Paano ba ang panalanging saysay kung iyong diyos itong nakaratay? Paano ba ang paghingi ng gabay kung iyong diyos tao ang umaakay? Tao, tao, bakit ipinipilit mo ang pagsamba sa Rebultong imahen mo? Kung tunay iyong pagkilala sa buhay na Diyos hindi mo gagawin ito Pagkat utos Niya sa lahat ng tao at nasulat sa Kanyang Banal na Libro Huwag gumawa ng imahen ng Diyos at huwag sasamba sa Rebulto! Sa pag-big ng Diyos sa tao na dahil sa kasalanan sa Diyos nawalay Siya na gumawa sa tao ay nagsakatawang Tao at iyan ay si Kristo Nabuhay sa mundo upang maging buong Kabayaran mo, ikaw at ako Pinasan ang Krus sa kalbaryo bilang pagmamahal sa patay na tao! Ang utos sa Banal na aklat, at harinawa sa nasulat isipan mabuksan Atin daw sambahin ang Buhay na Diyos sa Ispirito at Katotohanan Hindi raw Siya nananahan sa lugar o lalagyang gawa ng makasalanan Pagkat Siya ang Diyos na Buhay na siyang Tanging Tagapaglalang! Kabayan, kaibigan, sana huwag magdamdam Laban sa katotohanan Ako ay nagmamalasakit lamang at sa pay-ibig itong aking kapahayagan Iyong buksan at basahin ang Bibliya ng Diyos at duon iyong matuklasan Diyos Tagapaglikha ay nagtakda, impierno para sa taong diyos ay bato! Kabayan, kaibigan, kapwa ko Pilipino, mamili ng iyong dulong hantungan Si KRISTONG BUHAY na gusto sa ating puso manahan at tayo pagharian O si HESUS NASARENONG REBULTONG PATAY NA dulot ay kapahamakan Nasa iyong kamay ang desisyon ng iyong katapusang walang hanggan!

Jesus Christ Son of God Christian Church 26.10.2020

BAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON, BAGONG TAO KAY HESUKRISTO - NGAYON! (Pastor Frank Hidalgo) Tao, Tao, anong pagbabago hangad mo sa iyong bagong taon Dadalhin mo pa ba ang mga bagay na sumira sa iyo kahapon... O iyo silang ibabaon sa libingan ng mga masamang panahon Ng ikaw ay malayang makapasok sa bagong bukas ngayon Bawat araw ng bagong taon lumakad sa ibibigay nitong Gabay Sundin mo Kanyang katwiran upang mamuhay sa tagumpay Iyong iwasan ang mga bagay na sa iyo sa Diyos maghihiwalay Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, ang Diyos na Buhay Mga kasinungalingang pamumuhay na sa iyo nagbabaon sa hukay Mga alak ng sanlibutan na dulot ay sakit at dusang walang sablay Nagtutuyo ng tubig sa kaluluwa at nagdudulot ng kawalang malay Na humahantong sa nakaabang na hukay ng nakangiting bantay Tao, Tao, Bagong Taon yakapin mo ang panibagong pagkakataon Tumingala ka na sa langit at magpasakop na sa ating Panginoon Baybayin mo ang Banal na Kasulatan para sa iyong pagbangon Magtiwala sa lakas at liwanag sa Diyos ng pag-ibig mula ngayon Bagong Taon, Bagong Pagkakataon, Bagong Tao Kay Hesukristo, Ngayon! Pagpalain tayong lahat ng ating Mahabaging Panginoon! Amen.

Jesus Christ Son of God Christian Church 18.10.2020

SINO ANG PUPUNTA SA LANGIT? ( Pansit ng Buhay) By Pastor Frank Hidalgo (Luke 10:30-37; James 2:14-16; Juan 8:1-11) Naistambol ang batang isnatser ng bigla itong patakbong tumakas pilit... Kaya ang nanakawang matanda biglang lapit sa natumbang paslit Pinilipit ang kamay nito at kasunod sampal na ubod lakas, tutuong napasakit At hinablot sa kamay ng paslit ang ninakaw nitong isang balot na pansit Habang sumisigaw ng mga salitang mapait, malupit sa batang nanginginig At nagbanta sa paslit: masamang bata duon ka sa impierno, hindi ka puede sa langit! Nasaksihan ng binata ang pananakit ng matanda sa kawawang bata Hindi niya matanggap na itong mama ay pumatol at wala ni kaunting awa Kaya sa malakas at galit na tinig hinarap ang nabigla at natakot na matanda At saka nagbitaw ng mga mapait, masakit, at malupit na pagbabanta Matanda ay nais mangatwiran ngunit hindi makasingit sa nagngangalit na binata Na madiing naghatol: bagay ka sa impiyerno at di sa langit, matandang masama! Nakita ng dalaga ang ginawa ng binata sa mamang namutla sa laking kahihiyayan Di nito nagustuhan ang pagmumura ng binata sa matandang nginig buong laman Kayat pinagsabihan ang binata na ang matanda ay isang pastor ng simbahan At maging marahan lalo na itong binata ay manggagawa sa panambahan At lahat ng taong nakapaligid ay nangabigla sa narinig na mga kapahayagan At sa mga bibig at isip lungkot at galit sa dalawang banal na buhay kasinungalingan! Sinamantala ng paslit ang bagong gulo at biglang takbo papalayo sa madla At nang mag-isa ay sandaling tumigil, at luhaang mata sa langit tumingala At humihikbing nagdasal sa Diyos, hiling na patawarin sa kanyang sala At sana ay di tutuo ang sumpa na narining mula sa bibig ng matanda Pagkat ayaw ko na po maranasan pa ang patuloy na impierno tapos sa lupa At humiling na sanay palarin na makakain bago sa gutom buhay ay mawala!! NAKAKAISTAMBOL talaga!

Jesus Christ Son of God Christian Church 06.10.2020

ANNOUNCEMENT: On August 18, Saturday, JCSGCC Vallejo will not be holding worship service in Vallejo but instead will be joining the annual JCSGCC outdoor fellowship and Water Baptism in NAPA, CA.

Jesus Christ Son of God Christian Church 28.09.2020

The SWORD of the LORD and of Gideon! The Battlecry of Victory (Judges 7:20) JCSGCC Vallejo 8/11/2018The SWORD of the LORD and of Gideon! The Battlecry of Victory (Judges 7:20) JCSGCC Vallejo 8/11/2018

Jesus Christ Son of God Christian Church 19.09.2020

Join us tomorrow for our worship service from 10 AM to 12 PM in Vallejo. If you’d like more details, send us a message! Thank you and God bless!

Jesus Christ Son of God Christian Church 16.09.2020

KUNG WALA KANG PAKPAK, HUWAG KANG LILIPAD! Tula ni Pastor Frank Hidalgo Hoy mama, mama, mamang buong tiwala ay sa kayamanang yakap Huwag tangkaing lumipad upang mundo ikaw ay makita, mamalas ... Iyong pakatandaan ikaw ay nilikha lang ng Diyos na nasa itaas Kaya ikaw ay magpakumbaba at si Hesukristo lang ang maitaas! Hindi mo kayang abutin ang langit sa iyong hagdan ng kagitingan Hindi rin kaya ng iyong toreng Babel o gintong yamang tuntungan Maski pa mga medalya ng angking katalinuhan o gawang kabutihan Sapagkat lahat ng gawa ng tao matutunaw, ito ay walang kabuluhan! Sisiw ay hindi kayang lumipad hanggat kulang ang lakas ng pakpak Isdang dagat lumipad man sa hangin laging sa tubig din siya lalagak Maski pa agila na napakataas umalagwa ay sa lupa din siya aapak Lalo na taong sa sala ay bumagsak kaylan man hindi makaaangat! Hoy mama, mama, mamang mangmang sa gintong katalinuhan Iyong pakasuriin ang tunay at tutuong pamantayan ng kakayahan Kung ang iyong hangarin ay marating at manahan sa Kalangitan Walang ibang kaparaanan maliban Kay Hesukristo na Tanging Daan. Halika kaibigan, kabayan, tayo ay magusap at suriin tunay na pakay Ating lingunin ang pinanggalingan at masdan ang daang binaybay Kung Ating pamumuhay ay labag at labas sa Salita na tunay na gabay Tiyak na ating kahahantungan ay pagdurusang walang katapusan! Walang ibang pangalan na sa atin ibinigay para makarating sa langit Siya si Hesus na Tanging Daan, Tanging Katotohanan, Tanging Buhay Walang makakarating sa Diyos sa langit maliban sa Kanya lamang Gusto mo sa langit? Magpakaumbaba sa Diyos at tanggapin si Hesus!

Jesus Christ Son of God Christian Church 09.09.2020

BANNING the BIBLE? Reflections of Pastor Frank Hidalgo Rights when defined by the leftist is never right. Rights must be righteous in the sight of GOD, defined in the written Word of GOD, the Holy Bible, otherwise, it is never right.... To remove the Holy Bible is to remove the written path and prescribed future from this perishing world. To mute and muzzle the mouth of GOD's people is to increase and intensify the echo of the devil's dark word to this dying world. The devil's agenda is to make us deaf and dumb from everything good and Godly, but worry not, GOD can never be silenced by anyone or anything, He is the Sovereign Creator, still and will always be in control. He has written our future history, and the devil doesn't want the ignorant to read and hear the present story. Well, it is written, is it not? So fear not, but by Faith we must remain, no matter what. Brethren, let's not be intimidated by the threats of the misguided, let us not cease in praying, interceding for the lost, that they would not choose to be left but right the wrong, that they will come to the light of this truth while here on earth. We, who are righteous in Christ, must continue to share the gospel, while we still can. DON'T BE MUTED, THE WORD IS IN OUR MOUTH. Jesus is alive, the Word of GOD is the Judge of all the earth.